Tuesday, February 16, 2010

KING OF THE ROAD

YEEEEEEEEEEEEEY for us centralians!
no classes (because its caloocan day)

while i was riding a jeepney, naisip ko lang na gawan to ng blog. i'll make this blog entry in tagalog. :D

and so it begins.. (tagalog daw. hehe, cge eto na nga)

sa dami dami ng nakakasakay natin sa jeep iba't ibang tao na ang ating nakatabi, babae, lalake, tomboy, bakla, matanda, bata, iba't ibang personalidad, at madami na ring tayong narinig na samu't saring kwento.

ang dami ko ng nagiging karanasan kapag sumasakay ako sa jeep.
nalate na ko dahil sa pagaantay ng mga pasahero.
muntik ng maaksidente.
magkaron ng katabi na merong di kanais nais na amoy.
madukutan.
umupo na kapag pumreno ung jeep eh malalaglag ka na sa sobrang sikip.
mainis sa katabi mo kapag nagpapaabot ka ng bayad na parang wala man lang naririnig.
matawa sa kwento ng kaharap mo.
masandalan ng tulog.
mga nakakasakay na couples na parang nakupo sa may bay walk tapos nanuod sa paglubog ng araw.
makasabay ang isang barkadahan na sobrang ingay.
maranasan na lahat ng bayad eh nadaan na sayo.
at higit sa lahat napasarap sa kwentuhan at nakalimutang magbayad.


parang nagiging isang maikling pelikula tuloy sa loob ng isang jeep :DD



kwentong jeepney.
its onli in da philippines :D